Calendar
Nag hide-and-seek ng 21 yrs dahil sa bigong pagpatay tiklo sa P’que
HULI ang suspek sa kasong frustrated homicide sa Tublay, Benguet na nagtago ng 21 taon pero matunton ng mga pulis noong Miyerkules sa Paranaque City.
Pasado alas-5:00 ng hapon nadakma ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) acting director P/BGen. Randy Arceo si alyas Ematong, 47, sa Greenhouse Coastal Road, Brgy. San Dionisio, Paranaque, ayon sa report.
Natiklo ang suspek ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) sa bisa ng warrant of arrest galing kay La Trinidad, Benguet Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Francis Buliyat ng Branch 9 para sa kasong frustrated homicide.
Ayon kay DSOU head P/Lt. Col. Antonio Ananayo Jr., may inilaang pabuya si Benguet Gov. Melchor Diclas na P50,000 para sa simumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng akusado.
