Nando

Nando malakas pa rin; Mirasol walang pagbabago

449 Views

NANANATILI ang lakas ng bagyong Nando habang binabagtas ang north-northwestern part sa karagatan ng bansa.

Base sa tantya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa layong 1,225 kilometro ang sentro ng bagyo sa silangan ng southeastern Luzon at mayroong lakas ng hangin na 55-kilometer per hour (kph) at pagbugso ng hanggang 70 kph.

Maaring magdulot ng malakas na pag-ulan ang nasabing bagyo sa loob ng 48 oras at maaring maabot na nito ang typhoon category.

Samantala, hindi nagbabago ang lakas ng hangin ng bagyong Mirasol at tinatayang nasa 165 km ng western Calayan, Cagayan ang sentro ni Mirasol.

Mayroong pa ring taglay na lakas ng hangin ng hanggang 55 kph at pagbugso ng hanggang 70 kph si Mirasol.

Nanantiling nakataas ang signal number 1 sa Batanes, Babuyan Islands, Santo Niño, Camalaniugan, Pamplona, Rizal, Claveria, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes sa Cagayan; Apayao, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Lagangilang, Danglas, La Paz, Licuan-Baay, Tineg, Malibcong, Peñarrubia, San Isidro, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub, Sallapadan sa Abra; Ilocos Norte; Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Vicente, San Ildefonso, Santa Catalina, Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan sa Ilocos Sur.

Inaasahang hihina ang bagyong Mirasol kapag nag-landfall na sa southern China sa Sabado.