Bamboo

OrMin nakiisa sa World Bamboo Day

Helen D. Prado Sep 19, 2025
209 Views

BULALACAO–Nakikiisa noong Huwebes ang Oriental Mindoro sa pagdiriwang ng World Bamboo Day at pinangunahan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ang pagdiriwang.

Nagtatanim ng mga kawayan at iba pang native trees sa pakikipagtuwang sa munisipalidad ng Bulalacao.

Ayon kay PG-ENRO OIC Lily May Lim, isinusulong ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng kanilang tanggapan ang mga programa para sa pagpapalakas ng industriya ng kawayan sa lalawigan.

Nakiisa rin sa pagtatanim ang mga kinatawan mula sa Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Provincial GAD Focal Point System-TWG ng kapitolyo, mga kawani ng Bulalacao Community Hospital, kawani ng Kapitolyo at mga taga barangay.

Ang gawain bahagi pa rin ng pakikiisa ng Oriental Mindoro sa selebrasyon ng 125th Philippine Civil Service Anniversary
ngayong Setyembre.