Triker Kinilala ni Police Lt.Col. Arwen Nacional ang suspek na may kasong possession of firearms and ammunition. Kuha ni JONJON C. REYES

Triker nagdala ng illegal na baril sa Quiapo, arestado

Jon-jon Reyes Sep 20, 2025
393 Views

BINITBIT ng mga operatiba ng MPD Barbosa Police ang isang 32- anyos na lalaki dahil sa pagdala ng baril na walang kaukulang papeles sa Oscariz St,.Brgy 384, Quiapo, Manila, Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si alyas Carlos, 32, binata, tricycle driver,naninirahan sa nabangit na lugar,

Ayon kay Police Lieutenant Col. Arwen Nacional, pasado alas 2:05 ng madaling araw ng ipinatupad ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section, Barbosa PS sa pangunguna ni PCPT James F Dumangas ang warrant of arrest laban sa suspek dahil sa paglabag sa Section 28 (A) kaugnay ng Sec. 28 (E) ng R.A. 10591 (Possession of Firearms and Ammunition).

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Czarina E Samonte – Villanueva, Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court Br. 184.

Inirekomenda ang P120,000 na pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.