Calendar
Sen. Erwin Tulfo: Senado dapat tutukan din pagkain, kalusugan, trabaho
SA kabila ng mainit na usapin sa kontrobersyal na flood control corruption at budget hearing, panawagan ni Sen. Erwin Tulfo sa mga kasamahan na wag kalimutan at hanapan din ng solusyon ang problema sa mahal na pagkain at pagpapagamot, at kawalan ng trabaho ng mga tao.
Sa isang ambush interview sinabi ni Sen. Tulfo, “Sana in between sa hearing ng flood control at usaping budget para sa 2026, mapagtuunan din natin ng pansin ang tatlong problema ng tao – pagkain, kalusugan, at trabaho”.
“Tama naman na tutukan nating lahat itong korapsyon isyu na kinasasangkutan ng mga politico para di na maulit pa, pero dapat hindi rin mawala ang atensyon naming mga mambabatas kung papaano maresolba ang problema sa presyo ng bilihin at pagpapagamot at pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga kababayan natin”, anang bagitong mambabatas.
Dagdag pa ni Sen. Tulfo, “Tutal nariyan naman na ang Independent Commission for Infrastructre (ICI) , Department of Justice (DOJ), at National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy ang iba pang sangkot na mga opisyal at para makasuhan, I think it’s high time Senate must now focus sa problema ng mga tao”.
Bukod kasi sa korapsyon, hiling ng mga tao sa mga kandidato noong nakaraang halalan na hanapan ng solusyon ang problema sa pagkain, kalusugan, trabaho, at edukasyon.

