Helper siningil sa P2K utang,tinutukan ng baril naningil

Edd Reyes Sep 28, 2025
262 Views

KALABOSO ang 43-anyos na helper matapos ireklamo ng panunutok ng baril sa kasamahan sa trabaho na naniningil ng kanyang pautang Sabado ng gabi sa Valenzuela City.

Nag-ugat ang ginawang panunutok ng baril ng suspek na si alyas “Mark”, residente ng Tala, Caloocan City, nang singilin siya sa P2,000 pagkakautang ng biktimang si John, 19, residente ng Brgy. Paso De Blas nang magkita sila sa naturang compound dakong alas-9:15 ng gabi.

Sa halip magbayad, tinalikuran lamang ni alyas Mark ang biktima kaya’t sinundan siya para kulitin sa pagbabayad ng utang. Dito na nairita ang suspek na bumunot ng baril at tinutukan ang biktima.

Sa takot, nagtatakbo ang suspek hanggang masalubong ang mga nagpapatrulyang tauhan ni P/Capt. Michael Oxina, hepe ng Valenzuela Police Sub-Station 1, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkakakumpiska sa dala niyang improvised na baril na kargado ng isang bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Kasong grave threat ang paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms ang Ammunition Regulation Act ang isasampang kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.