DCA Umabot sa 52 marching bands ang nagpakita ng galing sa Bacoor City Music Festival noong Linggo sa Evangelista road.

Top prize ng Bacoor contest nakuha ng Rizal

Dennis Abrina Sep 29, 2025
435 Views

DCA1BACOOR CITY, CAVITE–Dumagsa ang libu-libong manonood sa siyudad na ito para saksihan ang taunang marching band parade contest noong Linggo kung saan nakopo ng Banda Dos Kabataan (B2K) ng Angono, Rizal ang Best Marching Band of the Year award.

Tinalo ng B2K ang 51 kakumpetensya para tanghaling champion sa Musiko 2025: The Grandest Marching Arts Competition in the Philippines.

First runner up ang Magdalo Band, 2nd runner up ang San Lorenzo Band 2003. Inc., 3rd runner up ang Angono Wind Ensemble at 4th runner up ang Banda Maliksi Uno 45 Inc.

Iginawad ang Most Discipline Band sa Music Foundation Band of Dasmariñas, Best Music at Best color guard sa San Lorenzo Ruiz Band 2003 Inc., Best Majorettes para sa The Dragons of the Cabiao Youth Concert Band 88 at Best drum major para sa Banda Dos Kabataan (B2K) Angono Rizal.