Isko

Rehabilitasyon ng Ospital ng Sampaloc, tatapusin bago mag-Pasok — Yorme Isko

Edd Reyes Oct 1, 2025
267 Views

Isko1ISINAGAWA na ang groundbreaking ceremony ng lokal na pamahalaan para sa pagsasa-ayos ng emergency room ng Ospital ng Sampaloc Miyerkules ng umaga.

Pinangunahan nina Mayor Isko Moreno Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza at 4th District Congresswoman Giselle Maceda ang seremonya para sa tatlong buwang pagkukumpuni ng emergency room na pangangasiwaan ni City Engineer Armand Andres.

Kabilang sa mga tampok na pagbabagong isasagawa sa pagkukumpuni ang pagkakaroon ng siyam na bed capacity, resuscitation bay, centralized medical gas system, centralized airconditioning system, surgery room, triage at admitting area, minor operation room, nurse’s station, observation ambulatory, decontamination area, treatment room, equipment and supply, storage room, medication preparation area, staff toilet, all Gender/PWD washroom, improved entrance lobby at waiting area, improved entrance lobby at waiting area at improved roofing area.

Sa kanyang talumpati, binanggit ni Yorme Isko na kahit maghahatinggabi at bumubuhos ang ulan ay nagtungo siya sa Ospital ng Sampalo upang suriin ang natanggap na reklamo kaugnay sa kaawa-awang kalagayan ng mga pasyente sa emergency room.

“May mga report sa akin, gumanda raw ang Ospital ng Sampaloc, sa sobrang ganda, ospital na, resort pa. Hindi ako makapaniwala kasi yung pinalitan ko doktora eh, I would think it was fully attended,” sabi ng alkalde.

Kinabukasan aniya ay bumalik siyang muli sa pagamutan, kasama si City Engineer Armand Andres at mga mahuhusay niyang tauhan upang makipag-ugnayan kay Dr. Angel Erich Sison, ang Director ng Ospital ng Sampaloc para sa pagkukumpuni ng emergency room at kung ano ang mga kinakailangang gawin.

Sa pagtatapos na kanyang talumpati, tiniyak ng alkalde na tatapusin sa loob ng tatlong buwan ang pagkukumpuni upang maging masaya ang Pasko sa Ospital ng Sampaloc.

“Nakagawa nga kami ng ospital na almost 400 bed in 52-days from vacant lot, without engineering playbook, hula-hula lang, nayari namin and it became the focal health care facility of the City of Manila and the national government kaya kaya yan, hindi imposible,” dagdag pa ng alkalde.

Aminado si Yorme Isko na hindi pa sapat ang pondo ng lungod subalit bahagi aniya ng kanilang polisiya at pananaw ni Vice Mayor Chi Atienza na isulong ang minimum basic needs gaya ng pabahay, edukasyon, pangangalaga sa kalusugan at trabaho.