Cebu

Damage sa fishery sector ng lindol sa Cebu P9.96M–DA

Cory Martinez Oct 7, 2025
389 Views

UMABOT sa P9.96 milyon ang nasira sa sektor ng pangingisda dahil sa magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong Setyembre 30.

Base sa b๐˜‚๐—น๐—น๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป na inilabas ng Department of Agriculture, inisyal pa lang na assessment ito ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Field Office VII at hinihintay pa ang ulat ng pinsala sa Bogo, Cebu, ang sentro ng lindol.

Inaalam pa rin ng ahensya ang mga napinsala ng lindol sa mga apektadong rehiyon.

Tiniyak ng DA na may nakalaang tulong katulad ng agricultural inputs (3,231 bag ng palay seeds, 1,200 bags ng corn seeds at 155 kilograms of vegetable seeds) at 1,430,305 bag ng rice stocks mula sa National Food Authority (NFA) na ibibigay sa mga local government units (LGUs) at iba pang relief agencies.

Mayroon ding hanggang P25,000 loanable amount mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na pwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon na walang interes at indemnification sa mga insured at apektadong magsasaka sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Nag-red alert na ang status ng DA RFO VII ng Regional DRRM Operations Center; sinuri ang mga DA office at ibang istraktura sa posibleng sira ng mga ito; nakipag-coordinate sa mga iba pang tanggapan sa posibleng pinsala sa agriculture sector; at nag-monitor ng mga presyo at pagbiyahe ng mga agricultural commodities.