Calendar
Deutsch national hinihinalaang pinagnakawan, pinaslang; bangkay nangamoy
HINIHINALANG pinagnanakawan at pinatay ang isang Dutch national na mula sa bansang Germany makaraang madiskubre ang bangkay Linggo ng hapon sa Cainta, Rizal.
Natuklasan lamang ang bangkay ng biktimang si Tobias Wahl, nasa hustong edad, at solong naninirahan sa Cluster 31, Unit 5K, Cambridge Village, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal nang umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa kanyang tinutuluyang unit dakong ala-1:20 ng hapon.
Sa pahayag ng testigo na naninirahan sa katabing unit ng dayuhan, inireklamo niya sa security guard ang masangsang na amoy na nagmumula sa unit ng biktima at nang katukin nila ang naka-lock na pinto, walang tumugon, kaya’t sumilip sila sa bintana.
Nang makita ng dalawa ang bakas ng dugo sa comfort room at ang nagkalat ng mga damit at gamit sa loob ng silid, dito na sila tumawag sa Cainta Municipal Police at ini-report ang nasaksihan.
Nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang pulisya sa insidente habang hihintayin rin ang resulta ng isinagawang pag-proseso ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ng krimen, pati na rin ang kalalabasan ng isinagawang pag-awtopsiya sa bangkay ng biktima. Nina GIL AMAN & EDD REYES

