Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Metro
P612K shabu huli sa tulak
Jojo Cesar Magsombol
Nov 7, 2025
284
Views
KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas–Nasakote noong Miyerkules ng mga pulis ang hiihinalang tulak sa Brgy. Cuta, Batangas City na may dalang 90 gramo ng shabu at may standard na presyong P612,000.
Naaresto ng mga elemento ng Batangas City police si alyas Sading, 36, sa pakikipag-koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakuha pa mula sa suspek ang isang belt bag, siyam piraso ng boodle money at buy-bust money.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa RA 9165 sa Batangas City Prosecutor’s Office laban sa suspek.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

