Calendar
Pulisya tinutugis kabaro dahil sa panununtok, pagtutok ng baril
TINUTUGIS ng pulisya ang isa nilang kabaro matapos na ireklamo nang panununtok at panunutok ng baril ng kanyang nakalaban sa Pusoy Dos nitong Huwebes sa Quezon City.
Personal na nagreport ang biktima sa Galas Police Station (PS-11) ng Quezon City Police District, ayon sa kaniyang salaysay nangyari ang insidente bandang alas 9 ng umaga nitong Nobyembre 13 sa Block 1, Lot 18, San Gabriel St., ROTC Hunters, Cluster 18, Brgy. Tatalon, QC.
Naglalaro ng Pusoy Dos sa lamay ang biktima at pulis na may ranggo na “PCMS” nang magkainitan.
Umalis ang biktima subalit sinundan ito ng suspek at saka tinulak at sinuntok. Dito na rin binunot ng pulis ang kanyang baril at sinabihan ang biktimang “PAPATAYIN KITA!” saka mabilis na tumakas.
Nahaharap sa mga kasong Physical Injury at Grave Threat sa Quezon Prosecutors Office ang pulis.

