Rice

Clark may P20/kilo rice na

Cory Martinez Nov 16, 2025
324 Views

MAKIKINABANG na ang libu-libong empleyado ng Clark Development Corp. (CDC) sa Pampanga sa P20/kilo ng bigas simula sa Disyembre 1, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Iro-roll out ang programang Benteng Bigas, Meron Na!” upang ilapit ang abot-kayang bigas at iba pang pangunahing bilihin sa mahigit 150,000 na empleyado sa economic zone.

Bahagi ang inisyatiba sa pinalawak na programa ng administrasyon na maging accessible at affordable ang mga pagkain para sa mga manggagawang Pilipino at maitataon sa “Pamaskong Handog para sa mga Manggagawa” campaign ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Inaasahang dadalo si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa paglulungsad ng kampanya

“This is just the start. By strengthening local food systems, we are not only protecting our workers’ welfare but also empowering our farmers nationwide,” ani Tiu Laurel.

Nakaangkla ang naturang programa Zero-Kilometer Food System ng DA na nagpo-promote ng production, processing, at pagbenta ng pagkain sa loob ng mga local areas upang mabawasan ang gastos sa transportation at matiyak na sariwa ang mga ito.

Binanggit pa nito na iro-roll out rin ang programa sa iba pang economic zone at sa mga Strategic Agricultural and Fisheries Development Zone sa buong bansa.

Samantala, kinalugod ni CDC President at CEO Atty. Agnes VST Devanadera sa pakikipag-partner sa DA para sa programa.

“This partnership is a concrete step toward inclusive growth,” sabi ni Atty. Devanadera.