Binata sinaksak matapos ipahuli 2 suspek sa droga

Edd Reyes Nov 27, 2025
446 Views

NIRESBAKAN at pinagsasaksak ng isa sa dalawang sangkot sa ilegal na droga ang 32-anyos na binata na nagpahuli sa kanila sa Rodriguez, Rizal.

Patuloy pang na ino-obserbahan sa Amang Rodriguez Medical Hospital si alyas “Rhussel”, matapos magtamo ng tatlong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa report ng Rodriguez Municipal Police Station, naglalakad ng pauwi ang biktima Miyerkules ng pasado alas-2 ng madaling araw nang harangin siya ng mga suspek na sina alyas Crisboy, 29, at alyas Jhunr, sa may Blk 11, Phase 1A, Suburban, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal,

Nagtangkang tumakas si alyas Rhussel subalit hinabol siya ng mga suspek at nang makorner, hinawakan siya ni alyas Jhunr habang naglabas naman ng patalim si alyas Crisboy at inundayan ng tatlong saksak sa katawan.

Tinutugis na ng pulisya ang dalawa na hindi na nadatnan sa kanilang tirahan sa Bautista Creekside, Brgy. San Isidro, Bayan ng Rodriguez makaraan ang krimen.