Zambo

Smuggled na yosi naharang ng NBI sa Zambo City

Jon-jon Reyes Dec 7, 2025
351 Views

NASAMSAM ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Western Mindanao Regional Office (NBI-WEMRO) ang 350 master cases ng smuggled na mga sigarilyo sa Zamboanga City na may street value na P14,974,750 at natimbog din ang 4 na suspek noong Sabado.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Marlon, Jamar, Abner at Alfaik.

Natiklo ang apat at smuggled na sigarilyo sakay ng bangkang Jungkong sa maritime patrol sa baybayin ng Zamboanga City.

Ang mga naarestong indibidwal ay kinikilala bilang crew ng sasakyang pandagat.

Nabigo ang apat na magpakita ng kinakailangang dokumento o mga clearance sa pag-import mula sa mga tamang ahensya.

Kakasuhan ang apat dahil sa paglabag sa RA 12022 (na nagpaparusa sa hindi awtorisadong pag-import at transportasyon ng mga regulated na produkto).

Sinabi ni NBI acting director Atty. Angelito DLP Magno na: