Manila job fair sinaksihan ni Yorme, VM Chi
May 1, 2026
Calendar
Showbiz
Kuhol pumanaw dahil sa pneumonia, kumplikasyon bago mag-Pasko
Eugene Asis
Dec 26, 2025
251
Views
BINAWIAN na ng buhay ang komedyanteng si Kuhol dahil sa pneumonia at iba pang kumolikasyon noong Disyembre 22. Siya ay 66 taong gulang. Ang kapatid niyang si Carol ang nagbalita nito sa kanyang Facebook account.
“Share your laughter in heaven, Manong Philip… We will miss you our ‘little-big” brother… We love you…” ayon kay Carol.
Doughlas Arthur Supnet o Philip Supnet sa totoong buhay, si Kuhol ay nakilala bilang sidekick sa TV at pelikula mula noong 1990s hanggang 2000s. Ilan sa kanyang mga pelikula ay ang “Juan Tamad at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue,” “Juan & Ted: Wanted,” at “Walang iwanan… Peksman!”
Ibinurol siya sa Ascension of Our Lord Parish sa Quezon City mula noong December 23 hanggang 26.

