Scammer Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang natimbog na suspek habang patuloy pang pinaghahanap ang kasama nito matapos mabuking sa modus gamit ang QR code ng GCash.

TokTok driver tiklo sa pambubudol

Jon-jon Reyes Jan 6, 2026
300 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District police station 13 ang toktok driver na nang-scam sa sa GCash sa Block 1 Dubai, BASECO compound, Brgyy 649, Port Area, Manila noongg Sabado.

Nakilala ang suspek na si alyas Moymoy, 18, habang nakatakas ang kasama niya na si alyas Kenneth, 23.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, nagtungo sa kanila ang biktima na si alyas Sammy, 40, upang isumbong ang tungkol sa GCash scam ng suspek.

Humiling ang suspek na bayaran ang order niya sa Lazada sa pamamagitan ng QR Code noong Enero 3.

Sa pag-scan sa nasabing QR Code, walang kamalay-malay ang biktima na ang kanyang GCash account ay awtomatikong na-link sa Lazada account ng suspek, na nagresulta sa 3 hindi awtorisadong transaksyon at nawalan siya ng P32,400.

Nadiskubre lamang ng biktima ang hindi awtorisadong transaksyon matapos tumakas ang suspek.

Nagsagawa ng backtracking ang mga pulis sa pangunguna ni P/Lt. Redentor Dela Cruz

Nakipagtulungan sa pag-aresto sa suspek na si Moymoy ang may-ari ng kanyang dinadalang motorsiklo kaya naaresto ang suspek.

Ang natimbog na suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 12010 (Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) at swindling/estafa.