Calendar
Metro
Lalaki tiklo sa rape
Edd Reyes
Jan 6, 2026
517
Views
PINOSASAN sa bahay niya sa Nueva Ecija ang konduktor ng bus na wanted sa pagmomolestiya sa menor-de-edad na biktima sa Taguig City noong Lunes.
Natunton ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Randy Arceo si alyas Aljun, 30, sa Malabon, Kaingin, Jaen, Nueva Ecija ala-1:00 ng hapon.
Nahuli ang suspek sa kasong statutory rape na walang inirekomendang piyansa.
Ayon kay Taguig police chief P/Col. Byron Allatog, nakipag-ugnayan muna sila sa Nueva Ecija Provincial Police Office para sa maayos na pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa akusado.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

