Calendar
Nangholdap, tumodas sa Nigerian tiklo sa parak
NAARESTO ng mga pulis sa follow-up operation ang isa sa dalawang suspek na nangholdap at pumatay sa Nigerian national araw noong Martes sa Las Piñas City.
Sa tulong ng ilang concerned citizens na nakasaksi sa insidente, natunton ng mga tauhan ni Las Piñas Police Chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang suspek na si alyas Jayson pero hindi pa nahuhuli ang ian pang suspek na si alyas Lu Long.
Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo, hinarang ng mga suspek ang hindi pa nakikilalang Nigerian national dakong alas-3:45 ng madaling araw sa Basa Village, Brgy. Zapote at tinangkang holdapin.
Nanlaban umano ang biktima kaya’t sinaksak ng mga suspek sa kaliwang bahagi ng katawan bago nagsitakas.
Tinangka pang humabol ng biktima subalit nahandusay na dahil sa mga saksak kaya’t isinugod sa Las Piñas District Hospital kung saan siya idineklarang patay.
“We strongly condemn this violent act. While one suspect is now in custody through the swift response of our personnel and the cooperation of the community, our pursuit continues,” pahayag ni BGen. Arceo.

