Calendar
HIV test sa Caloocan libre sa mga health centers
NAG-ALOK ng libreng human immunodeficiency virus (HIV) testing at counseling services ang Caloocan sa mga residente ng bilang pagpapalakas sa programang pangkalusugan ng syudad.
Maa-avail ang libreng HIV test sa dalawang social hygiene clinic ng Caloocan City Hall-South at Brixton Health Center at lahat ng health centers, ayon kay Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.
Ayon sa mayor, malaking tulong ang libreng HIV test upang mapigilan bago pa maging acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) ang mga mapapatunayang HIV-positive.
“Noon, hindi biro ang magkaroon ng HIV dahil sa kakulangan ng impormasyon at medisina na makakapigil sa paglala nito, ngunit ngayon hindi na taning sa buhay ang pagkakaroon ng HIV dahil na rin sa mga epektibong gamot na nagbibigay sa mga HIV-positive persons na magkaroon ng oportunidad para sa normal na buhay,” sabi ni Mayor Along.
Binigyang diin ni Mayor Along na walang puwang ang diskriminasyon para sa mga HIV-positive sa lungsod.

