Calendar
Mayor tumulong para makauwi 111 LP dancers sa sumali sa Sinulog
BINIGYAN ng pamasahe ni Mayor April Aguilar ang 111 dancers na hindi makauwi na taga-Las Pinas at na-stranded sa Cebu City dahil walang pamasahe.
Nasa 111 na kabataan ang ginastusan ng alkalde para makauwi sa Las Pinas.
Nilinaw din ng Las Piñas na pribadong contractor at hindi ang lokal na pamahalaan ang nagpadala sa 111 na indibidwal sa Cebu upang lumahok sa Sinulog Festival.
Inilabas ng tanggapan ni Las Piñas City Mayor April Aguilar ang pahayag matapos mag-viral sa social media ang na-stranded at nagutom na mga kabataang delegado dahil naubos ang pondo para sa pamasahe pabalik at pang-araw-araw ng gastusin sa pagkain.
Kinuwestiyon din ng mga kabataan na miyembro ng Pilar Youth Dance Company kung saan napunta ang P1.5 milyong inilaang pondo para sa paglahok nila sa Sinulog Festival.
Hindi nakabili ng pagkain ang 111 delgado matapos ang ilang araw na sunod-sunod na ensayo at aktibidad bago ang kanilang pagsalang sa kompetisyon.
Walang kinalaman si Mayor Aguilar hinggil sa anumang tulong pinansiyal na ibinigay sa organizer lalu’t hindi ito dumaan sa pamahalaang lungsod ng Las Piñas,
Nang makarating sa kaalaman ng lokal na pamahalaan ang nangyari, kumilos si Mayor Aguilar para asikasuhin ang kawawang mga delegado.
Sinabi ng alkalde na ang kanyang personal na pagtulong ay hindi dahil sa obligasyon kundi dahil sa malasakit bilang mayor.

