Calendar
Metro
QC cops hinuli 5 tulak; P135K na shabu narecover
Melnie Ragasa Jimena
Jan 25, 2026
455
Views
AABOT sa P135,184 na halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa 5 drug suspek na naaresto noong Enero 21.
Nadakip si alyas Mark Rhey, 33, matapos makuhanan ng 9.88 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P67,184, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensya.
Sa operasyon ng Talipapa Police Station, nadakip si alyas Rovic, 20, at nakuhanan ng 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.
Nadakip naman sina alyas Edwin, 49; at Sanny, 45, matapos makuhanan ng 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.
Kakasuhan ang mga nahuli sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

