Elias

LP mayor, VM pinasinayaan pagbubukas ng 2 health center

Edd Reyes Jan 25, 2026
147 Views

CAABUKAS na sa publiko ang dalawang health centers na isinailalim sa pagkukumpuni at rehabilitasyon matapos magkasunod na pasinayahan nina Las Piñas Mayor April Aguilar at Vice Mayor Mel Aguilar upang higit na mapahusay ang pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan.

Unang pinasinayahan ng alkalde at bise alkalde angd dalawang palapag na Elias Aldana Heanth Center na ngayon ay may kabuuang floor area na 204.96 metro-kuwadrado upang maging ligtas at komportable para sa mga pasyente at health workers kasunod ang CAA-Lanzones Health Center sa kanto ng Lanzones at Saging Sreets, Brgy. CAA/BF International.

Matatagpuan sa unang palapag ng E. Aldana Health Center ang reception area, PWD toilet, consultation room, family room, pre-natal area, minor surgical room, staff toilet, at nurse room habang nasa ikalawang palapag ang dental room, laboratory, medicine room, TB DOTS facility, patients’ toilet, at storage room.

May sukat namang 293.04 metro-kuwadrato ang 2-storey CAA-Lanzones Health Center na may reception area, PWD toilet, consultation room, minor surgical room, at TB DOTS facility sa unang palapag habang may dental room, staff room, counseling room, at supplies storage room naman sa ikalawang palapag, bukod sa tangke ng tubig sa roof deck upang masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon ng pasilidad.

Sinabi ni Mayor Aguilar na magpapatuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pagpapabuti ng mga imprastrakturang pangkalusugan upang masigurong ang bawat Las Piñero ay may access sa maayos, abot-kaya, at dekalidad na serbisyong medikal.