Mga suspek sa halu-halong krimen nasakote ng QCPD

158 Views

UMABOT sa 27 suspek sa iba’t-ibang krimen ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa 1 araw na warrant day operation noong Enero 23.

Ayon kay QCPD acting director P/Col. Glenn Silvio isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga puganteng may nakabinbing kaso.

Ayon sa ulat, inaresto ng District Mobile Force Battalion (DMFB) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Edgar Batoon si alyas Francis, 44, para sa kasong homicide.

Nadakip din ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sina alyas Mario, 39, na may kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at alyas Melton na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness.

Inaresto ng La Loma Police Station 1 si alyas Arnel, 40, dahil sa paglabag sa RA 9165.

Nadakip ng Masambong Police Station 2, Batasan Police Station 6, Cubao Police Station 7, Galas Police Station 11 at Project 6 Police Station 5 ang 14-anyos na lalaking may kasong qualified rape of a minor.

Nadakip ng mga police station ng Talipapa, Novaliches, Fairview at Payatas-Bagong Silangan ang mga suspek na may mga kasong robbery, theft, estafa, carnapping at paglabag sa RA 9165.

Tatlo pang suspek sa krimen ang inaresto ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) habang ang iba’y nadakip ng iba’t-ibang police stations sa lungsod.