Cybercrime Binasahan ng warrant of arrest ang akusadong dalaga matapos arestuhin dahil sa kasong Cybercrime Prevention Act sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES

Lumabag sa Cybercrime Prevention Act naaresto

Jon-jon Reyes Jan 26, 2026
161 Views

INARESTO ng mga pulis ang 27-anyos dalaga dahil sa kasong paglabag Cybercrime Prevention Act of 2012 sa F. Ma. Guerrero St., Brgy. 243, Tondo, Maynila noong Lunes.

Kinilala ang akusado na si alyas Marlyn.

Ayon sa report ng pulisya, bandang alas-2:30 ng hapon ng magsagawa ng manhunt ang mga operatiba ng District Special Operation Unit sa pangunguna ni PLt. Alfredo Cabingas III at P/Lt. Col. R A Guardaya kaya nahuli ang suspek.

Nahuli siya sa warrant galing kay Judge Ma. Conchita Lucero ng Regional Trial Court Branch 70.

Ang akusado ay dinala sa MPD para sa mga standard booking procedure at pansamantalang ikukulong sa custodial facility.