Calendar
Koreano na may kasong gahasa ng Pinay dinampot pagdating ng PH
INARESTO ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) ang Korean national na akusado sa pang-aabuso sa Pinay na biktima sa Maynila nang dumating sa bansa mula sa Busan, South Korea.
Katuwang ng AVSEGROUP ang Manila Police District-Woman and Children Protection Section (MPD-WCPS) sa pagdakip sa 48-anyos na Koreano noong Enero 23 ng gabi sa arrival area ng NAIA Terminal 1 sa Pasay City.
Dala ng mga tauhan ng MPD-WCPS ang warrant of arrest na inilabas nito lang Enero 12, 2026 ng Manila Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region kaugnay sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.
Nasa kostodiya na ng MPD-WCPS ang Koreano para sa wastong dokumentasyon habang hinihintay ang utos ng korte sa paglilipat sa kanya sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Manila City Jail.
“Our personnel remain vigilant in ensuring that lawful court orders are properly enforced. Through close coordination with partner agencies, we will continue to uphold the rule of law and safeguard the integrity of our airport security operations,” pahayag ni AVSEGROUP Director P/BGen Dionisio B Bartolome Jr.
Ang nasabing Koreano ay tubong Ulsan, South Korea,may asawa, at negosyante.
Ayon kay PLT.Col. Damaso J Burgos, JR, Acting Chief,ng DIDMD-MPD bandang 12:35 ng madaling araw ng matunton ang suspek ng tauhan ng WCCS-MPD sa pangunguna ni Police Capt.Veronica F Apresurado,C, WCCS, kasama ang SMART-DIDMD sa pangunguna naman ni Police Major Edward G Samonte at mga tauhan ng PNP AVSEGroup sa pangunguna ni PMaj. Ricky T Waniwan, Acting Chief, NAIA PS1.
Nagpaabot ng pasasalamat si MPD Director Arnold Abad sa pamunuan ni PBGen Dionisio B Bartolome Jr, Director, PNP AVSEGROUP, sa pakikipagtulungan at kooperasyon sa isinagawang joint operation.

