Isko

Manila drones ipinakita kay Yorme

Jon-jon Reyes Jan 27, 2026
155 Views

IPINAKIKITA ni Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mga bagong drones na binili ng Maynila upang mapabilis ang pagtugon sa mga sakuna at pagkalap ng impormasyon.

May artificial intelligence (AI) capabilities at water-resistant ang mga drones na makatutulong sa iba’t- ibang ahensiya ng Maynila sa pagsasagawa ng large-scale mapping at assessment.

Sa pamamagitan nito, mas magiging accurate ang datos, mas mabilis ang rescue operations at mas maagap ang pagbibigay ng tulong sa oras ng kalamidad o anumang emergency.