Kulong

May boga swak sa kulungan

192 Views

BALIK-kulungan ang 42-anyos na lalaki ng inaresto uli ng mga pulis dahil sa pagdadala ng ilegal na baril sa Quezon City noong Linggo.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) acting director P/Col. Randy Glenn Silvio, nahaharap sa kasong illegal possession of firearms ang suspek na si alyas Mark.

Batay sa ulat ng Talipapa Police Station (PS 3) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Von DV Alejandrino, alas-11:00 ng gabi noong Linggo nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga pulis sa eskinita sa Brgy. Tandang Sora nang mapansin ang suspek na may hawak na baril.

Nilapitan ng mga awtoridad ang lalaki at hiningan ng mga dokumento ng baril subalit nabigo itong magpakita ng kaukulang papeles kaya inaresto.

Nakumpiska sa suspek ang isang cal .22 revolver na may lamang live ammunition.

Isinailalim ang suspek sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Dati na ring nasangkot ang akusado sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling noong 2016.