Calendar
Nang-holdap, nanakit, ng Japanese huli
TIMBOG ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos na Japanese national noong Sabado ng matunton ng mga pulis noong Lunes sa Paranaque City.
Natunton ang suspek na si alyas Ariel, 49, dakong alas-6:30 ng gabi sa R. Medina Subdivision, Brgy. San Dionisio dahil sa backtracking sa CCTV mula sa pinangyarihan ng krimen hanggang sa pagpunta nito sa Brgy. San Dionisio.
Nabawi ng pulisya sa suspek ang sling bag, iPhone 14, earpods, passport, ATM, ID cards at iba pang personal na gamit ng biktima maliban sa P30,000 at Y30,000 (P11,500).
Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya matapos maulat ang nag-viral na video sa pananakit at panghoholdap ng suspek kay alyas “Akira” habang nagbi-bird watching sa wetland park area sa shoreline ng Cavitex alas-10:00 ng umaga ng Sabado.
Hinataw ng dos-por-dos sa ulo ng suspek ang biktima nang tumangging ibigay ang sling bag na nagresulta sa pagkakaroon ng lamat ang bungo at pagkabiyak ng tenga ng biktima.

