Sara

4 ambassador nag-courtesy call kay VP Sara

171 Views

APAT na ambassador ang nag-courtesy call kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte noong Miyerkoles, Agosto 17.

Si Duterte ay dinalaw ni Italian Ambassador Marco Clemente sa kanyang tanggapan sa Central Office ng Department of Education (DepEd).

Nagpahayag umano ng suporta ang Italian official sa mga estudyante Pilipino sa pampublikong paaralan at hinimok niya ang mga ito na tignan ang Italian culture lalo na sa musika at teatro.

Sumunod namang bumisita sa Irish Ambassador to the Philippines William John Carlos. Pinag-usapan naman umano ng dalawa ang bilateral relations ng Ireland at Pilipinas.

Nagpahayag umano si Carlos ng kahandaan na tulungan ang Pilipinas sa isyu ng edukasyon at kultura.

Bumisita rin kay Duterte si Vietnamese Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung.

Binigyan ni Chung si Duterte ng painting mula kay Vietnam Vice President Vo Thi Anh Xuan. Isinabit ito ni Duterte sa conference room ng DepEd.

“The Philippines will always be with Vietnam in good times and in bad times,” sabi ni Duterte.

Pang-apat namang bumisita si Lao Ambassador to the Philippines Songkane Luangmuninthone.

Napag-usapan umano ng dalawa ang relasyon ng dalawang bansa sa larangan ng edukasyon at ang kahalagahan ng English bilang medium of instruction sa paaralan.

Sinabi ni Duterte na napag-usapan din ang pakikipag-ugnayan sa Commission on Higher Education (CHED) upang mas maraming estudyante mula sa Laos ang makapag-aral sa Pilipinas.