Phivolcs

19 lindol naitala sa Taal

202 Views

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 19 na volcanic earthquake sa bulkang Taal.

Sa inilabas na ulat ng PHIVOLCS ngayong Huwebes, Agosto 18, sinabi nito na ang mga pagyanig ay tumagal ng dalawa hanggang limang minuto.

Naglabas din ang bulkan ng 5,119 tonelada ng sulfur dioxide noong Miyerkoles at usok na may taas na 1,500 metro.

Nananatili ang Alert Level 1 sa Taal na nangangahulugan ng “low-level unrest.”

Nananatili ipinagbabawal ang pamamangka sa Taal Lake at ang pagdaan ng mga eruplano sa ibabaw ng bunganga ng bulkan.