Calendar
Cash rewards sa 159 UCC grads ibinigay ng Caloocan mayor
TUMANGGAP ng cash incentives mula sa Caloocan ang 159 na estudyante ng University of Caloocan (UCC) na nakapasa sa board exam noong 2025.
Kabilang sa nakakuha ng cash reward ang 15 certified public accountants, 65 teachers at 79 psychometricians, kasama si Xian Arnel Pineda na 4th place sa Board and Licensure Exams for Psychometricians (BLEP).
Binati ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga board passers at hinimok na tulungan ang mga estudyante na pahalagahan ang edukasyon upang makabuo ng magandang kinabukasan.
“Ang mga bagong board passers ng UCC ang patuloy na nagpapatunay na walang imposibleng pangarap para sa mga batang Kankaloo.
Congratulations sa inyong lahat! Hiling ko lang, huwag ninyong kalimutan ang kapwa ninyo at sama-sama nating silang tulungan at bigyan ng motibasyon na paghusayan pa ang pag-aaral,” pahayag ni Mayor Along.
Nangako ang alkalde na ipagpapatuloy ang mga programang pang-edukasyon mula sa elementarya hanggang makatapos sa kolehiyo.
