Vargas

Vargas hinikayat mga LGUs magkaroon ng kanya-kanyang PDAO

Mar Rodriguez Aug 22, 2022
181 Views

IGINIGIIT ngayon ng isang neophyte Metro Manila solon sa lahat ng Local Government Units (LGU’s) na mag-establish at magtayo sa kani-kanilang lugar ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) alinsunod sa itinatakda ng Magna Carta for Disabled Persons.

Ayon kay Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas, kailangan aniyang magkaroon ng PDAO sa iba’t-ibang lugar sa bansa sang-ayon sa itinatakda ng Republic Act. No. 10070 o ang Magna Carta for Disabled Persons.

Dahil dito, isinulong ni Vargas ang isang House Resolution (No. 207) sa Kamara de Representantes na nag-aatas sa mga LGU’s na gampanan ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng pagtatayo o pag-eestablisa ng PDAO sa lahat ng probinsiya, munisipalidad at siyudad sa Pilipinas.

Sinabi ni Vargas na layunin ng kaniyang resolusyon na tiyaking naipatutupad ang mga programa at serbisyo para sa mga PWD’s alinsunod sa itinatakda ng RA No. 10070 na naisabatas noong 2010.

Binigyang diin ng kongresista na sa kabila ng pagkakasa-batas ng PWD Law labing-dalawang taon na ang nakakaraan ay nakakaranas pa rin ng diskriminasyon at hindi pantay na pagtingin ang mga PWD’s kailang na ang kawalan ng PDAO sa lahat ng LGU’s.

“More than 12 years after the law was enacted. Filipino persons with disabilities remain vulnerable to marginalization with the absence of established PDAO’s in many LGU’s in the country,” sabi ni Vargas.

Ipinaliwanag pa ni Vargas na sa loob ng 81 lalawigan, 146 siyudad at 1,488 munisipalidad sa bansa. Iniulat aniya ng National Council for Disability Affairs (NCDA) na tinatayang 387 LGU’s lamang ang nakapagbukas o nakapagtayo ng PDAO noong Hunyo 2021.

“Of the 387 LGU’s, only 254 have designated Focal Persons that may function as PDAO in the absence of such and is particularly found in 4th to 7th class municipalities,” dagdag pa ng QC solon.