Wanted sa Abra nahuli sa QC

161 Views

NAARESTO ang isang 72-anyos na lalaki sa Quezon City na wanted umano sa kasong panggagahasa.

Si Ernesto Sequerra, residente ng Barangay Damayan, Quezon City ay naaresto alas-7:53 ng umaga noong Agosto 18 sa Bonny Serrano Ave. malapit sa kanto ng 14th Ave., sa Barangay Socorro, Cubao, Quezon City.

Siya ay no. 5 most wanted umano ng Abra Provincial Police Office.

Inaresto si Seguerra sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Corpus B. Alzate, ng Branch 2, Regional Trial Court (RTC), Bangued, Abra kaugnay ng kinakaharap nitong kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 2007-165.