star magic

BINI, Rise Artists at Siquijor Viners tampok sa made for Youtube shows ng ABS-CBN

Eugene Asis Aug 23, 2022
208 Views

heart wreckerBiniMASAYA at puno ng kaalamanan ang Made For YouTube shows ng ABS-CBN sa pangunguna ng BINI, Rise Artists Studio artists na sina Anthony Jennings, Kerwin King, Esnyr Ranollo, at hit YouTuber Siquijor Viners ngayong Agosto.

Samahan ang Nations P-Pop Group sa kanilang adventure sa Baguio. Matapos nilang dayuhin ang Manila at Batangas, dadako naman sila sa Norte para bumuo pa ng mas maraming bonding moments together sa “BINI Road Roadtrip Adventures.” Abangan ang fresh episodes nito sa BINI official YouTube account tuwing Huwebes, 8PM.

Mapapakinggan ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig sa “Dear MOR Celebrity Specials” available sa MOR YouTube Channel tuwing Biyernes, 12NN at replays nito tuwing Lunes. Para sa kanilang huling 2 episodes, maantig sa pagsasabuhay nina Anthony at Rans Rifol, Kerwin at Esnyrr ng dalawang magkaibang storya na ibinahagi ng ‘Dear MOR’ listeners. Maari naman pa rin mapanood ang mga ibang episodes ng special sa YouTube account ng MOR.

Maaaliw sa sikat na grupo na Siquijor Viners sa kanilang unang pagpunta sa Manila sa YouTube channel ng Star Magic. Huwag palampasin kung paano nila ilalarawan ang kanilang first time experiences sa pamamagitan ng skits tuwing Martes at Biyernes sa “Siquijor Viners Perstaym in Manila.” Bago pa nga nila inilabas ang first episode ng kanilang adventure ay labis na ang suporta na ibinigay ng kanilang fans sa mga komento nito sa teasers ng Star Magic. Sa katunayan, hindi nga bumaba sa 100,000 views ang bawat video na lumalabas angsikat na grupo.

Malalaman kung lucky ang bahay niyo sa “Lucky Home with Master Hanz” na magpre-premiere ngayong Agosto 19 sa YouTube channel ng FYE. Tampok sa unang dalawang episodes nito ang mga bahay ng bida ng “A Family Affair” na si Ivana Alawi at ang bagong “Magandang Buhay” ku-momshie na si Regine Velasquez.

Kahit tapos naman na ang “He’s Into Her,” maari pa ring mapanood ng fans ang Season 1 at 2 ng “HIH Extras” sa YouTube channel ng Star Cinema. Dapat din abangan pa ang fresh drops ng “One Music Live” at Season 2 ng “IQ ang Nagwagi.”

Samantala, aabangan ngayong Setyembre ang iba pang Made For YouTube shows tulad ng “Boys After Dark,” “Pampered Pets,” “Monster Makeup,” “Star Magic US Tour,” “Star Magic Prom,” “Love Bites,” at “BGYO Race in the City.”

Panoorin ang lahat ng “Made for YouTube” na available sa iba’t ibang YouTube channels ng ABS-CBN. Mag-subscribe na sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment, BINI official, MOR, FYE, Star Cinema, at Star Magic.