Suspek2 Photos source: Pasig PNP

Pasig drug bust: P4.08M shabu, 1 baril nakumpiska, 3 suspek nahuli

125 Views

Suspek3

Suspek1
Photos source: Pasig PNP

NASABAT ng Pasig City Police ang malaking halaga ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ang P4.08 million at isang baril sa drug bust na isinagawa sa Pasig City ng mga otoridad sa pamumuno PCOL Hendrix B Mangaldan.

Isinagawa noong February 24, 2026, ang dalawang magkahiwalay na buy bust operation ng Pasig CPS Drug Enforcement Unit sa Barangay Kapasigan at Sto. Tomas.

Arestado sina alyas “Clyde”, 20,High Value Individual (HVI), alyas “Chauncey”, 20, at alyas “To-ton” (HVI), pawang mga residente ng Pasig City.

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 600 gramo ng hinihinalang shabu, na may street value na P4,080.000 at isang 9mm kalibre ng baril.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II of RA 9165 at RA 10591.

Ang operasyon ay nagresulta sa mainitang pagsasagawa ng pulisya ng monitoring laban sa illegal na droga sa pamumuno ni Chief PNP, PGen. Jose Melencio C Nartatez Jr, at ang Triple “A” Program ni PMGen. Anthony A Aberin, NCRPO Regional Director kasama si EPD District Director PBGEN Aden T. Lagradante.

Pinarangalan ni PCol. Mangaldan ang mga operatib sa kanilang isinagawang operasyon at pagkakadakip sa mga suspek.

“This operation is a testament to the dedication and professionalism of Team Pasig Elite. We will continue to work tirelessly with the Local Government Unit and community partners to ensure that Pasig City remains a safe and secure place for its residents,” aniya. Ni MARVIN EMPAYNADO