Calendar
P4.9M shabu nalambat sa 2 tulak
MAHIGIT P4.9 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga pulis sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga noong Sabado sa Paranaque at Muntinlupa.
Nasilo si alyas Genesis, 32, nang pagbentahan ng P49,000 na halaga ng shabu ang pulis na poseur-buyer dakong alas-8:05 ng umaga sa Simplicio Cruz Compound, Brgy. San Isidro, Paranaque City, ayon kay Southern Police District director PBGen. Randy Arceo.
Nakumpiska sa suspek ang 520 gramo ng shabu na may halagang P3,536,000, isang cellular phone at ang markadong salapi na ginamit sa buy-bust.
Nauna rito, dakong alas-2:10 ng madaling araw ng madakip si alyas Christopher aka Kuya Dan, 49, ng pagbentahan ng shabu ang police poseur-buyer sa Old City Terminal, Brgy. Alabang.
Nakuha kay Kuya Dan ang 207.25 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,409,300 at ang P2,000 na markadong salapi.

