Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Sekyu

Pagsilbi ng writ of execution sa LP nauwi sa gulo, sikyu dedo sa atake sa puso

Edd Reyes Mar 4, 2026
208 Views

DEDO ang isang security guard habang 10 ang nasugatan nang sumiklab ang gulo sa pagsisilbi ng writ of execution laban sa mga opisyal ng BF Resort Village Homeowners’ Association Inc. (BFRVHAI) Miyerkules ng umaga sa Las Pinas City.

Naisugod pa sa Perpetual Help Medical Center ang biktimang si Geremias Tantiado, 48 subalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas sanhi ng atake sa puso habang kabilang naman sa mga bahagyang nasugatan ang pangulo ng BFRVHAI na si Euan Rex Toralballa na siya ring nagkumpirma sa pagkasawi ng security guard

Ayon sa nakatatandang kapatid ng biktima na si Reynaldo Tantiado, 55, hindi na nila inabutang buhay sa pagamutan ang kanyang tiyuhin kaya’t gagawin nila ang lahat ng legal na paraan upang mapanagot ang mga may kagagawan.

Bumagsak aniya sa gitna ng kaguluhan ang kanyang tiyuhin hanggang sa matapak-tapakan ng mga sumugod sa tanggapan ng BFRVHAI,

Pasado alas-9 ng umaga nang isilbi ni Sheriff Nino John San Felipe ng Regional Adjudication Branch-National Capital Region ng Human Settlement Adjudication Commission ang writ of execution, kasama ang mahigit 30-pulis, na nag-uutos sa mga opisyal, kawani, at kinatawan ng BFRVHAI na i-turn over ang lahat ng pondo, propriedad, at iba pang asset sa BF Resort Village Talon Homeowners Association Inc. na pinamumunuan naman ni Jose Deo Aguinaldo.

Hinarang ng mga security guard ang grupo ng Sheriff at hindi pinayagang makapasok sa club house at security office na dahilan ng pagsiklab ng gulo hanggang magkabasag-basag ang salaaming pintuan ng tanggapan.