Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
QC Source: QCPD

Suspek sa panloloob sa jewelry shop huli, 5 pa at large

141 Views

ARESTADO ang isa sa anim na holdaper na sumalakay at tumangay ng mahigit P653,000 halaga ng alahas at pera sa isang jewelry shop sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director Randy Glenn Silvio ang nadakip na si alyas “Wilfredo,” 59, na naaresto alas-3:00 ng madaling araw noong Marso 3 sa Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon sa report sangkot ang suspek sa panloloob sa THRES HOLD Silver Accessories Shop sa Brgy. Pasong Putik noong Pebrero 27.

Napag-alaman na anim na lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo ang dumating sa tindahan at agad nagdeklara ng holdap. Tinutukan ng baril ang mga empleyado at kostumer bago mabilis na nilimas ang cash at mga alahas na aabot sa P653,500 ang halaga.

Matapos ang ilang minuto, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa isinagawang imbestigasyon ng SOCO, narekober ang isang basyo ng caliber .45 at ilang latent fingerprints na agad isinailalim sa laboratory examination.

Nagkasa naman ng hot pursuit operation ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Pasong Putik Police Station 16 hanggang sa matunton ang isa sa mga suspek.

Nasamsam kay “Wilfredo” ang isang ‘di lisensyadong caliber .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

Patuloy ang pagtugis sa lima pang kasabwat, kabilang ang mga umano’y sakay ng kahina-hinalang metallic silver na Mitsubishi Xpander na namataan malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Nahaharap ang suspek sa kasong Robbery at paglabag sa Republic Act No. 10591 at Republic Act No. 11235 sa Quezon City Prosecutor’s Office.