Calendar
Shabu timbog sa Port of Clark
Maluluhong commencement exercises dapat ipagbawal ng DepEd
ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating suki, lalo na sa ibang bansa.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at kay Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
***
Malaking bagay ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BOC) na lalong paigtingin ang pagbabantay sa mga border.
Ito ay para mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando sa Pilipinas, lalo na ang shabu at iba pang iligal na droga at produktong agrikultura.
Todo suporta naman ang BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, sa “border protection program” ni Pangulong Marcos.
Sa totoo lang, marami ng shipments ng illegal drugs ang nasasakote sa iba’t ibang ports of entry dahil sa “vigilance and dedication” ng mga taga-BOC.
Ito ay sa tulong ng partner-agencies ng BOC, na kagaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Inter-Agency Task Force against Illegal Drugs.
Noong nakaraang Linggo ay nakasakote ang BOC sa Port of Clark sa Pampanga ng isang shipment na naglalaman ng 17,500 gramo ng shabu.
Ang shipment, na nagkakahalaga ng P119 milyon, ay galing ng Las Vegas, United States at bound sa Makati City, Metro Manila.
Sa isang ulat, sinabi ng BOC na ang shipment ay na-“flagged based on derogatory information provided by the PDEA,” ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Pagdating ng shipment sa Port of Clark, na pinamumunuan ni District Collector Jairus Reyes, ay kaagad itong idinaan sa X-ray scanning.
Dahil nakitaan ito ng kakaibang images ay isinailalim ito sa K9 sweep. At dito nakitaan ng “positive indication for suspected dangerous drugs.”
Nang buksan ang shipment ay tumambad sa mga otoridad ang dalawang maitim na resin blocks na may lamang white crystalline substances.
Pagkatapos ng laboratory testing ay napatunayang ang crystalline substances ay shabu.
Kaagad na nag-isyu ng warrant of seizure and detention (WSD) laban sa shipment si Collector Reyes.
“I commend our officers and partner-agencies for their vigilance and swift coordination in intercepting this shipment,” sabi ni Collector Reyes.
***
Tama lang ang ginagawa ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na hindi nagpapa-apekto sa mga nangyayari sa gobyerno.
Naka-focus lang sila sa pangunahin nilang trabaho na revenue collection.
Dahil dito ay patuloy na tumataas ang nakokolektang buwis, taripa at iba pang bayarin ng BOC na nagpapakita lamang na buo ang suporta ng men and women in customs uniform sa Marcos administration.
Sa tingin nga ng marami sa aduana, kabilang na ang mga customs brokers, ay mahihigitan ng BOC ang 2026 collection target.
Ito lang nakaraang buwan ng Enero at Pebrero ay nalampasan ng ahensya ang kanilang assigned tax take sa dalawang buwan.
Sana nga tuloy-tuloy lang ang magandang trabaho ng mga taga-BOC dahil kailangang makakolekta sila ng sapat na pera para tustusan ang mga proyekto ng gobyerno.
***
Ilang araw na lang, matatapos na ang School Year (SY) 2025-26.
Ang SY 2025-26 ay matatapos ng Marso 28, at ang graduation rites ay dapat ganapin sa mga araw ng Lunes o Martes (March 30-31).
Dahil malapit na ang pagtatapos ng klase ay makakahinga na ang mga magulang.
Ang problema lang eh kung saan naman sila kukuha ng pambili ng sapatos, damit at iba pang gamit sa graduation ng mga bata.
Dito dapat kumilos ang Department of Education para ipagbawal ang mga maluluhong commencement exercises dahil panahon ng taghirap.
Biglang tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa nangayayaring kaguluhan sa Gitnang Silangan na kinasasangkutan ng Estados Unidos, Israel at Iran.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

