Suspek Dinakma ng mga ahente ng NBI ang suspek na nagbebenta ng mga pekeng dolyar matapos matimbog sa mall sa Pasay City.

Nagpi-print, nagbebenta ng fake dollars arestado

Jon-jon Reyes Mar 13, 2026
106 Views

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Criminal Intelligence Division (NBI-CRID) ang suspek sa pagpi-print, pamamahagi at pagmamay-ari ng mga pekeng US dollars at Treasury bills na umaabot sa P12 bilyon sa Pasay City.

Inaresto ang suspek kasunod ng tatlong buwang imbestigasyon ng NBI-CRID.

Nakuha sa possession ng suspek ang tatlong bundle ng pekeng US dollars ng mahuli sa mall sa Pasay City.

Kasama ng mga operatiba ng NBI-CRID ang mga taga Bangko Sentral ng Pilipinas sa pag-aresto sa suspek.

Ang suspek ay iniharap sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office para sa paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code (Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes and Other Instruments of Credit).

“Ang pagkumpiska ng P12 bilyon na pekeng pera ng US ay isang patunay ng katumpakan ng pagbabahagi ng paniktik sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang operasyong ito ay hindi lamang isang pag-aresto, ito ay isang tiyak na suntok laban sa isang multi-bilyong pisong banta sa ating integridad sa pananalapi,” ayon kay NBI director Atty. Melvin Matibag.