Calendar
Apela ni Dy sa NEA, DoE: Power crisis sa Isabela asikasuhin ASAP
UMAAPELA ngayon ang isang Northern Luzon congressman sa National Electrification Administration (NEA) at Department of Energy (DoE) na panghimasukan at asikasuhin sa lalong madaling panahon ang problema ng “power crisis” sa kanilang lalawigan.
Kasabay nito, binatikos din ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy ang dalawang “electric cooperative” sa kanilang lalawigan bunsod ng kabiguan nilang makapagbigay ng mura at maasahang serbisyo ng kuryente sa nasabing lalawigan.
Sa kaniyang privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes, binigyang diin ni Dy na kailangang masagip sa lalong madaling panahon ang kanilang lalawigan bago ito tuluyang mabalot sa kadiliman dahil sa kapabayaan ng mga “electric cooperative” sa Isabela.
“We need someone to step in and rescue the province from the darkness of inefficiency and mismanagement. We urge the NEA and the DoE to intervene on behalf of member-consumer-owners in Isabela who must pay for the missteps of their EC’s,” sabi ni Dy.
Sinabi din ng Isabela solon sa kaniyang talumpati na hindi aniya nauubos bagkos ay patuloy na dumadagsa ang reklamo kaniyang mga kababayan na tinatanggap ng kaniyang opisina kaugnay sa estado ng kuryente sa kanilang lalawigan na nakaka-apekto sa mga negosyo dito.
“Mr. Speaker hindi po nauubos ang dumadating na reklamo n gaming mga kababayan ukol sa estado ng kuryente sa aming lalawigan. We cannot simply shrug off these complaints dahil an gaming mga kababayan ang nahihirapan sitwasyong ito,” sabi pa ni Dy sa kaniyang talumpati.