Yedda

Party list solon iminungkahi na bigyan ng 10 araw na bereavement leave ang mga empleyadp

211 Views

Acidre

10 araw bereavement leave para sa mga empleyado isinulong

NAIS ng isang dalawang Visayas lawmaker na mabigyan ng sampung araw ang mga empleyado mula sa private at public sector na mabigyan ng sampung araw na “breavement leave” o para magdalamhati sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

Ito ang nakapaloob sa panukalang batas na isinulong nina TINGOG Party List Cong. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa Kamara de Representantes na naglalayong mabigyan ng sampung araw na leave na may bayad o “with pay” ang mga empleyado mula sa probado at pampublikong sektor para ipagdalamhati ang pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

“Currently, employees are entitled to the following statutory leaves: service incentive leave; maternity leave or paternity leave, whichever is applicable; parental leave for solo parents; special leave for women, and leave under the Violence Against Women Act. However, no mandatory leaves are granted to employees who have recently lost a family member,” ayon kay Romualdez.

Ipinaliwanag ni Romualdez na layunin ng kanilang panukalang batas na mabigyan ng pagkakataon ang mga nasabing empleyado na maipagdalamhati ang pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay nang hindi na kailangan pang maapektuhan ang kanilang kakarampot na kinikita.

“This bill seeks to grant employees, both in private and public sector, bereavement leave of ten days with full pay. It shall allow the employee to take a leave from work to grieve and recover from the loss without sacrificing his/her income,” dagdag pa ni Romualdez.

Idinagdag pa ng Party List Congresswoman na: “Section 3 of the proposed “Bereavement Act of 2022” defines bereavement leave as a leave taken by an employee to grieve the death, or to attend or plan for the funeral, of an immediate family member such as an employee’s spouse, parent, child, brother, or sister, and relatives within the third degree of consanguinity or affinity”.