Cagayan niyanig ng magnitude 5.4 lindol

249 Views

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 5.4 ang Cagayan ngayong araw ng Linggo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-12:36 ng hapon.

Ang epicenter nito ay walong kilometro sa kanluran ng Dalupiri Island, Calayan. May lalim itong 15 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity V – Dalupiri Island, at Calayan Island, Cagayan

Intensity IV – Claveria, Sanchez-mira, Pamplona, at Abulug, Cagayan; Luna, at Flora, Apayao; Pasuquin, Batac, Bangui, Burgos, at Pagudpud, Ilocos Norte

Intensity III – Bacarra, Laoag City, at Vintar, Ilocos Norte; Tuguegarao City, Allacapan, at Appari, Cagayan

Intensity II – Dingras, at Paoay, Ilocos Norte; Sinait, San Juan, at Magsingal, Ilocos Sur

Intensity I- Vigan City, at Bantay Ilocos Sur

Instrumental Intensities

Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity III – Laoag City, Ilocos Norte

Intensity II – Sinait, Ilocos Sur; Peñablanca, at Gonzaga, Cagayan

Intensity I – Vigan City, Ilocos Sur