Rape Swak sa selda ang suspek na may kasong dalawang bilang ng statutory rape matapo matimog ng mga operatiba ni Police Lt. Col. June Paolo Abrasado ng MPD Ermita PoliceStation 5. Kuha ni JONJON C. REYES

MWP na binata himas rehas dahil sa 2 bilang ng gahasa

Jon-jon Reyes Apr 10, 2026
273 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Ermita Police Station ang isang 21-anyos suspek sa dalawang kaso ng statutory rape sa inilatag na Oplan Pagtugis sa kahabaan ng Maria Orosa St., corner United Nations Avenue, Bgy. 666, Ermita, Manila Ermita Manila, Martes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si alyas ‘Lert’,binata,at residente sa Mataas Na Lupa, Ermita.

Ayon kay Police PLT.Col. June Paolo Abrazado, commander ng Ermita Police Station 5, bandang 1:40 p.m. nang maaresto ang suspek. Katuwang sa operation ang RIU NCR EDIT.

Bitbit ng mga operatiba ang arrest warrant laban sa suspek na inisyu ni Judge Mariesther B. Vedana, ng Manila RTC Branch 48. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya nng suspek.

Ang suspek, na isang Most Wanted Person, ay kasalukuyang nakadetine.

Sinabi na Plt.Col.Abrasado patuloy ang pagpapalakas ng Intelligence Infonet upang masakote ang iba pang wanted ng batas.