Dolyar

Palitan ng dolyar nagsara sa P57.18

209 Views

SA ikalimang sunod na araw ay muling bumaba ang halaga ng Philippine peso kontra dolyar.

Nagsara ang palitan ngayong Huwebes, Setyembre 8 sa P57.18:$1 at tinalo ang record low na P57:135:$1 na naitala noong Setyembre 7.

Ang mababang palitan ay lumabas matapos na ilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang gross international reserves (GIR) ng bansa noong Agosto ay $98.975 bilyon, mas mababa sa $99.838 bilyon noong Hulyo.