Calendar
Si MPD PIO Chief Police Major Philipp Ines habang nagbibigay ng pahayag kaugnay sa pansamantalang pagsuspinde sa pagpapatupad ng ordinansang nagpaparusa sa mga half naked sa mga pampublikong lugar sa Maynila.
MPD sinuspinde panghuhuli sa mga walang damit pang-itaas
SINUSPINDE noong Sabado ng Manila Police District (MPD) ang panghuhuli sa mga damit walang pang-itaas sa mga public places matapos tawaging “anti-poor” ang ordinansa na nagpapataw ng parusa sa mga mahuhuling half-naked.
Kinumpirma ni Police Major Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, ang paglabas ng kautusan sa suspensiyon ng panghuhuli.
Sinabi ni Major Ines sa mga pulis ng Maynila na sa halip na tikitan o pagmultahin ang mga mahuhuling half-naked, bibigyan na lamang ng babala ang mga masisita.
Nilinaw ni MPD Director Police Brig. General Arnold Abad na mahigpit na ipatutupad ang mga ordinansa laban sa mga lalabag sa curfew, mga kabataan na nasa labas sa dis-oras ng gabi at sa mga umiinom ng alak sa tabi ng kalsada o pampublikong lugar.
“Sa liwanag ng kamakailang damdamin ng publiko at mga ulat tungkol sa pinaghihinalaang “anti-poor” na epekto ng ilang mga lokal na ordinansa, lalo na ang nagpaparusa sa mga indibidwal dahil sa hindi pagsusuot ng kamiseta sa mga pampublikong lugar, ang lahat ng mga yunit ay iniuutos na pansamantalang suspendihin ang mahigpit na pagpapatupad ng nasabing mga ordinansa,” ayon kay Ines.
Sa halip, sila ay maglalabas ng mga babala at magsagawa ng mga information drive na nagbibigay-diin sa wastong ugali at pamantayan ng komunidad,” dagdag pa ni Ines.

