Calendar
Kaso ng COVID-19 sa NCR posibleng lumobo ng hanggang 5,000 kada araw dahil konti nagpapa-booster
POSIBLE umano na lumobo ng 1,259 hanggang 5,375 kada araw ang kaso ng Covid-19 sa bansa sa buwan ng Oktobre dahil sa kokonti lamang ang nagpapa-booster shot.
Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire batay sa pagtataya ng ahensya ay humihina na ang immunity na dala ng Covid-19 vaccine dahil kokonti ang nagpapa-booster shot.
Sinabi ni Vergeire na posibleng magbago ang projection na ito kung mas darami ang makakapagba-booster shot at susunod ang publiko sa minimum public heath protocol.
Nananatili umanong nasa low risk ang health care utilization rate ng bansa o mga nagagamit na ward at ICU na nakalaan sa COVID-19 cases bagamat mayroong maliit na pagtaas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Masusi umanong binabantayan ang BARMM partikular ang health care system dito.
Umabot na sa 72.2 milyon ang mga Pilipino na fully vaccinated laban sa Covid-19 pero nasa 18.4 milyon lamang ang mga indibidwal na nakapagpa-booster shot na.