Kelot kulong sa pagnanakaw ng motorsiklo

134 Views

KALABOSO ang 23-anyos na lalaki na nagnakaw umano ng nakaparadang motorsiklo sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si JR Salpides, ng Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa pulisya, ipinarada ng biktimang si Reymar Mendiola ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay sa Empire Hilltop street, Barangay Payatas B, Quezon City.

Alas-10 ng gabi ng mapansin ng biktima na wala na ang motorsiklo kaya agad itong humingi ng tulong sa pulisya.

Naaresto ang suspek alas-3 ng umaga noong Setyembre 9 sa Sierra Madre street, Barangay Payatas B, at nabawi umano rito ang gray na Yamaha Mio at isang kalibre .22 revolver na may anim na bala.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act (RA 10883) Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (RA 10591).