Pic4 SOURCE: Video at screenshots mula sa FB/DPWH

Reklamo bumuhos sa sunog sa Navotas landfill

97 Views

PATULOY ang pagbuhos ng reaksyon mula sa netizens kaugnay ng nagpapatuloy na sunog sa Navotas Sanitary Landfill, kung saan marami ang nagpapahayag ng pagkadismaya sa kasalukuyang sitwasyon.

Sa isang Facebook post ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mababasa ang sunod-sunod na puna ng ilang users hinggil sa umano’y kakulangan sa aksyon at tugon ng lokal na pamahalaan.

“Asan ang mayor Jan….tsk tsk tsk,” komento ng isang netizen.

“Is the Total Log Ban, Mining Act, Anti-Noise Ordinance and other Environmental Laws and Ordinances in PH a BIG JOKE? The cost of inaction is greater than the cost of action. Plan, strategize and act to save our Homeland and protect our millions Kababayan. Regrets Not a Solution,” saad naman ng isa pang FB user.

“Waste energy [sad emoji],” dagdag pa ng isa.

Kasabay nito, ibinahagi rin sa naturang post ang drone shots na nagpapakita ng patuloy na pag-aksyon ng DPWH sa lugar. Makikita ang pagbubukas ng bagong access road na magsisilbing daanan ng heavy equipment at mga panambak na lupa na kritikal sa pagkontrol sa sunog.

Dahil sa bagong kalsada, mas napapabilis ang pagpasok ng mga kagamitan na kinakailangan sa operasyon sa landfill site.

Ayon pa sa ulat, inaasahang mas bibilis ang pagtugon ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agarang pagbigay ng tulong sa lokal na pamahalaan ng Navotas upang tuluyang maapula ang apoy.

https://www.facebook.com/share/v/1NAbMSu2mo/